Home About Me Links | |
ako na T.H
Monday, October 29, 2012 | 11:48 AM | 0 Comment(s)
Ang mga babae, simpleng hindi mo pagpaparamdam sa kanya, todo-todo kung mag-alala, mag-assume, mag-duda at maghinala. Kaya minsan, ang mga pag-aakala nila, nagiging totoo. Ang mga babae, kahit marami mang ginagawa, hindi ‘yun kakalimutan na magpaalala sa taong minamahal niya. Hindi niya kailanman ipaparamdam sa taong ‘yun na nakakalimutan na siya o iparamdam na wala na siyang halaga para sa kanya. Kalimutan na niya lahat, ‘wag lang ikaw. Kaya kahit anong mangyari, kahit anong gawin mo, unahin mo pa rin ‘yung taong pinapahalagahan ka.
Para sa mga lalaki, ‘wag na ‘wag mong babalewalain ang babae. Kasi isang text mo lang, pagka-gising niya sa umaga, eh buong-buo na araw niya. Alam na alam niyang pagka-gising mo eh siya ang unang taong tumatak sa isipan mo. Pero kung walang text palagi sa’yo, nagsisinungaling ka man o hindi, may tinatago ka man sa kanya o wala, kahit gusto man niyang mag-isip ng tama, napapaisip siya ng hindi dapat. Think positive, ika nga. Pero sa pinag-gagawa mo, nagiging nega siya! Iisipin niyang may iba ka nang minamahal. Aamin na nating karamihan sa mga babae, mga tamang hinala. Pero mas gugustuhin mo pang mag-hinala lang kaysa sa maging totoo ang mga hinala mo. Mga babae rin eh pagdating sa mga ganyan eh paranoid sila. ‘Wag mo silang bigyan ng dahilan para magkaganyan sila. Kung nagkaka-problema kayo na parang ganito, give him a little space. Pwede ‘yung communication ‘wag bawasan, dapat manatili ‘yun. May mga lalaki kasing tinatago na lang ang sakit na nadarama nila. Kaya nga may girlfriend ka eh, para may mapag-usapan ng kung anu-ano. Kung kayo ang may problema, pag-usapan lang ng mabuti. Hindi ‘yung sigaw dito, sigaw dyan. Murahan dito, murahan dyan. Kahit papano, pagtiwalaan mo ang boyfriend mo. Hindi rin naman basehan ang ”WALANG SIYANG TEXT” para masabi mong may iba o mahal na siya. Nagaakala o naghihinala ang isang babae, dahil rin sa mga ginagawa ng lalaki na hindi dapat o pinapakita sa kanyang girlfriend. Girls love to be remembered by someone they love. Don’t make them feel they’re nothing. Because one text from you, makes her day Complete <3
|
Welcome
*<3* Tagboard
|